^

Police Metro

HCPTI nilinaw ang desisyon ng CA

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi umano kasama sa dinesisyunan ng Court of Appeals (CA) ang isyu hinggil kung sino ang nagmamay-ari ng P5 mil­yong pasilidad ng Harbour Centre Port Terminal Inc., at ang negosyanteng si Reghis M. Romero II ang legal na may control at nagpapatakbo nito.

Ito ang nilinaw ni HCPTI Corporate Lawyer Eugene M. Santiago, dahil sa hindi tinalakay sa ipinalabas na desisyon ng CA ang isyu kung lehitimo ang Board of Directors ng Harbour Centre Port Terminal, Inc., ang legalidad ng kontrata ng Port Ancillary Services Contract at Port Services Management Contract.

Bagkus ang mga isyu ay ibinalik sa kamay ng Regional Trial Court kung saan ang kaso ay nakabin­bin.

Hindi rin aniya sinabi ng CA na ibinibigay nito ang pamamahala ng HCPTI kay Michael L. Romero sa One Source Support Services Inc., (One Source) o sa kahit na kaninong agents nito o empleyado o representate. Ang lahat ng isyung ito aniya ay ibinalik ng CA sa Mababang Hukuman.

Sa record, ang kaso kung sino ang tunay na may-ari at dapat na magpatakbo ng HCPTI ay hinawakan na ng 17 Mahistrado ng CA kung saan ang lahat ng ito ay binitawan ang kaso.

Ang taktikang ito ay muling ginamit kay CA Special Second Division Justice Danton Bueser matapos na magpalabas ng 3-0 votes para sa Temporary Restraining Order at Writ of preliminary injunction na nagbabawal kay Michael Romero na pakialaman at kamkamin ang HCPTI.

KILLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with