^

Police Metro

Duterte pinayagan nang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani

Malou Escudero at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpasalamat kahapon si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa naging pahayag in incoming President Rodrigo Duterte na papayagan nitong mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“We are deeply grateful to the statement of our inco­ming President Rodrigo Duterte favoring the burial of the late President Ferdinand Marcos at the Libingan ng mga Bayani,” ani Marcos.

Ayon pa kay Marcos, hindi nagbabago ang posisyon ng kanilang pamilya tungkol sa karapatan ng kanilang ama sa ilalim ng batas na mailibing sa Libigan ng mga Bayani bilang isang dating sundalo at isang dating pangulo ng bansa.

Naniniwala si Marcos na ang nasabing pahayag ni Duterte ay magdudulot ng pagkakaisa sa matagal nahaha­ting bansa na kagagawan umano ng mga nagdaang lider.

Iginagalang naman ng Malacañang ang pasya ni Duterte, ngunit  ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., hindi pa rin nababago aniya ang paninindigan ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi dapat maili­bing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

 

LINO ASIS

REGALADO AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with