^

Police Metro

3 lalaki tinamaan ng kidlat habang may kausap sa cellphone

Joy Cantos at Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong lalaki matapos tamaan ng kidlat habang tumatawag ng cellphone sa magkahiwalay na lugar sa South Cotabato at Camarines Norte.

Sa bayan ng Surallah, South Cotabato ay nasawi sina Danny Danao, 23 at Nestor Feller, pawang mga manggagawa sa Sumifru Corporation, isang multi-national firm na ang produkto ay sa­ging na nago-operate sa South Cotabato.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi noong Mayo 22  ay  sakay ng motorsiklo sina Danao at Feller sa kanilang tahanan at isa sa kanila ay may kausap sa cellphone nang bigla pumatak ang ulan sabay kumidlat na tumama sa dalawang manggagawa  na kapwa agad nagkikisay sa insidente at nasunog ang katawan.

Namatay rin habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang 36-anyos na si Joey Aras, residente ng Purok 9, Brgy. Mantagbak, Daet, Camarines Norte.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1:30 ng hapon ay nakiki­pag-usap sa cellphone ang biktima nang magbanta ang pagbuhos ng ulan kasabay ang kulog at kidlat na tumama sa katawan ng biktima.

Nagtamo ng matin­ding pinsala sa katawan ang biktima at dinala sa Our Lady of Lourdes Hospital sa bayan ng Daet, subalit nasawi din ito.  

Nagpaalala ang mga otoridad na huwag gagamit o tatawag sa cellphone lalo na kung kumukulog at kumikidlat sa open field na malakas na makatawag pansin ang “radiation” ng cellphone sa nakamamatay na kidlat. 

 

KENDRICH DAVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with