^

Police Metro

Tax cut ni Duterte aprub sa senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaagad na sinuportahan ng Senado ang planong tax reform ni incoming President Rodrigo “Rody” Duterte.

Sinabi ni Senator Sony Angara, dapat lamang na magkaroon ng malawakang reporma sa buwis sa pagpasok ng bagong administrasyon at tiniyak nito na mas paiigtingin pa ang pagsusulong ng kanyang panukalang baguhin ang sistema ng pagbubuwis sa pagsisimula ng ika-17 kongreso.  

“Ikinatutuwa po natin ang hakbanging ito ng bagong administrasyon sapagkat nangangahulugang may ayuda na ang matagal na nating isinusulong na tax reform. Bagong senador pa lamang po tayo noong 2013 nang pasimulan natin ang pagsusulong nito,” ani Angara, kasalukuyang chairman ng Ways and Means Committee ng Senado. 

Unang ipinanukala ni Angara ang Senate Bill 2149 na naglalayong ibaba ang bayarin sa buwis at tapyasin hanggang sa 25% ang kasalukuyang 32% tax rate.

Layunin din ng panukala ni Angara na mula sa pitong tax brackets ay gawing 5 brackets na lamang ito.

Sa kasalukuyan, pa­ngalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamataas na tax rate sa 32 percent kasunod ng mga nangungunang Vietnam at Thailand na nagpapatupad ng 35 percent tax. 

“Dahil dito, tinitiyak po natin ang solidong pagsuporta sa papara­ting na administrasyong Duterte lalo na sa mga plano nitong pagreporma sa sistema ng pagbubuwis. Umaasa tayo na sa unang 180 araw nito sa liderato ay mapag-ukulan nila ng buong pansin ang tax reform,” dagdag pa ng senador.

Matatandaan na hindi pinaboran ng gobyernong Aquino ang panukalang ito ni Angara sapagkat posible umanong malugi ng P30B ang pamahalaan kahit pa nagdeklara naman ang gobyerno na may daan-daang bilyong pisong underspending ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with