Presidential appointees ni P-Noy bababa sa June 30
MANILA, Philippines – Inihayag ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na sigurado ang pagbaba sa puwesto pagdating ng June 30 ang lahat ng presidential appointees ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Sec. Coloma, bilang co-terminus ni Pangulong Aquino ay obligado ang lahat ng presidential appointees na bumaba sa puwesto sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Aquino sa June 30.
Ang mga may fixed terms lamang na itinalaga ni Pangulong Aquino ang maiiwan sa kanilang mga puwesto sa mga constitutional commissions tulad ng Commission on Human Rights (CHR), Commission on Elections (Comelec), Commission on Audit (COA).
Hindi naman anya, maaapektuhan ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan kapag bumaba ang mga presidential appointees sa June 30 dahil may mga maiiwan namang mga opisyal na hindi co-terminus si Pangulo na mga government workers.
- Latest