^

Police Metro

NDF magsusumite ng mga pangalan para sa posisyon sa gobyerno

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsumite ng listahan ang National Democratic Front (NDF) kay presumptive President Rod­rigo Duterte sa inaalok nitong posisyon sa Communist Party of the Phi­lippines upang mapasama sa kanyang Gabinete.

Ayon kay NDF peace negotiating panel chairman Luis Jalandoni na maraming qualified para sa inaalok na posisyon ni Duterte sa CPP para sa Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Aniya, sila ni CPP founder Jose Maria Sison ay naghahanda na ng shortlist upang isumite kay President Duterte.

Tumanggi namang pangalanan ni Jalandoni ang mga personalidad na nasa shortlist nila upang maupo sa DOLE, DAR, DSWD at DENR pero siniguro na puro qualified ang mga ito upang pamunuan ang nasabing ahensiya.

Naunang sinabi ni Joma Sison na walang opisyal o miyembro ng CPP ang mauupo sa Gabinete ni Duterte hanggang hindi pa nakakamit ang tunay na peace agreement sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Pero sinabi ni Sison, may mga progre­sibo at makabayang mga personalidad na hindi miyembro ng CPP ang puwedeng maupo sa nasabing mga posisyon habang ongoing ang peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF at gobyerno.

BANAT SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with