^

Police Metro

2 Chinese fishing vessels nasabat ng BFAR at PCG

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan ng Sabtang Island, Batanes ang dalawang Chinese fishing vessels na naglalayag na may nakabaligtad na bandila ng Pilipinas.

Ayon sa BFAR, ang mga barko ay ang F/V Shen Lia Cheng na may 12 crew members at F/V She Kou na may 13 crew members.

Sa ulat, nagsasagawa ng seaborne patrol lulan ng BFAR patrol vessels MCS 3010 at MM Patrol Boat 3049 nang maispatan nila ang dalawang barko na naglalayag sa naturang lugar.

Nang makumpirma na ang mga barkong pangisda ay pawang gamit ng mga dayuhan ay agad na inaresto ang mga sinasabing mga crew nito saka dinala sa Basco, Batanes para sa imbestigasyon.

POLANGUI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with