Buo ang tiwala ko sa INC! - De Lima
MANILA, Philippines - “Kahit batid naman ng lahat na minsan kung nakabanggaan ang Iglesia ni Cristo (INC) ay buo pa rin ang tiwala ko sa pamunuan na hindi sila gagawa ng hakbang na ikakasira ng aking pangangampanya”.
Ito ang inihayag ni Liberal Party (LP) senatorial bet Leila De Lima matapos makatanggap ng ulat ang kanilang kampo na sinasabi umano ng mga INC sa mga local na kandidato na huwag siyang iboto kapalit naman ng political support nila sa local.
“Tungkol sa impormasyon na diumano’y inuutos ng Iglesia sa mga local candidates na ilaglag daw ako o huwag isama sa sample ballots, hindi ako naniniwala dito. At kung totoo man ito, I think it’s unfair. Sana naman ay hayaan na lang nila na magpasya ang mamamayan kung karapat-dapat talaga ako sa kanilang pagtitiwala,” ani De Lima.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni De Lima at INC noong nakaraang Linggo, pero naayos naman ito matapos ang isang dayalogo na siyang nagbigay daan para hindi isama si De Lima sa mga kandidato ng INC ngayong Mayo.
Nirerespeto ni De Lima ang desisyon ng INC at wala naman siyang sama ng loob dahil may pamantayan naman ang sekta sa pagpili ng mga kandidato.
Nauna ng nagpahayag naman ng suporta kay De Lima ang mga religious group na kinabibilangan ng Ang Dating Daan’s Bro. Eli Soriano, El Shaddai’s Bro. Mike Velarde, Kingdom of Jesus Christ’s Pastor Apollo Quiboloy, Pentecostal Missionary Church of Christ’s Apostol Artemio Ferriol, Apu Dolores Banal A Sacrificio, Bishop Calampiano Almario Apostolic Catholic Church (National Shrine of Ina Poon Bato), Benny Abante of Biblemode, at Pastor Jun Bautista of the Adventists Church.
- Latest