^

Police Metro

COA binira sa incomplete report vs Binay

Butch Quejada, Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binira ng United Nationalist Alliance (UNA) ang isa na namang panibagong demolisyon nainilarga laban kay Bise Presidente Jejomar “Jojo” Binay sa pagpapalabas ng iligal at hindi kumpletong “audit report” ng Commission on Audit hinggil sa kontrobersiyal na Makati City Hall Building 2.

Ito ang inihayag ni UNA president Toby Tiangco at  maaring ihabla ang COA sa pagsuway mismo sa kanilang mga patakaran matapos nagsilabasan ang kanilang hindi  kumpletong report  sa mga pahayagan.

“The commission could be held liable for violating COA Resolution No. 2015-033 dated September 29, 2015, prohibiting the conduct of special audit against candidates of the 2016 elections,” pagdiin ni Tiangco.

Anya, mismo ang  COA ang nagsabi na hindi sila maaring gumawa ng special audit sa mga kandidato ng darating na halalan, subalit sila ay nakatanggap ng impormas­yon na ang mabilisang paglabas ng  report ay kagagawan ng isang PR consultant ng Ombudsman.

Ayon pa kay Tiangco, ang Makati Building 2 ay dumaan at pumasa ng labing-isang regular na audit ngunit ang kinalabasan ng special audit ay baliktad.

“Basta si VP Binay, fast-forward ang mga audit kahit pa sila mismo ang nagbawal nito. Pero kapag kaalyado ng administrasyon, uupuan ang kaso hanggang sa makalimutan,” sambit pa ni Tiangco.

Sinabi naman ng abogado ni Mayor Junjun Binay na si Claro Certeza, para sa kanya ang COA at Ombudsman ay hindi patas pagdating sa kanyang kli­yente at hinusgahan kaagad  na guilty ito.

Sinabi pa ni Tiangco na sumulat siya sa COA nitong Pebrero 21  na dapat respetuhin ng naturang ahensiya ang sarili nilang patakaran sa lahat ng mga kandidato lalo na yung tumatakbo sa oposisyon.

Ang pagsulat ni Tiangco sa COA matapos makatanggap siya ng maraming reklamo sa hanay nila na patuloy hina-harass ang mga kandidato ng UNA gamit ang mga report ng COA na hindi  man lang kinuha ang panig ng mga inereklamo.

Hinggil naman sa pagpuntirya  lamang ng mga ahensiya si Binay, sinabi ni Tiangco na ang report hinggil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at sa Disbursement Acceleration Program (DAP), ay usad-pagong ang COA. Ang  Ombudsman  ay halatang ayaw gumalaw sa mga kasong PDAF at DAP.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with