Abaya pinagbibigti ni Osmeña
MANILA, Philippines – Dapat umanong magbigti na lamang o ibitin ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Jun Abaya ang kanyang sarili dahil sa kahihiyan.
Ito ang hiniling ni Senator Serge Osmeña III kay Abaya, dahil malaking kahihiyan sa panig nito ang mga naging kapabayaan at kapalpakan sa pagtugon sa mga problema sa MRT.
Ipinagtanggol ni Osmeña ang draft report ni public services subcommittee chairman Sen.Grace Poe na nagrerekomendang kasuhan ng graft si Abaya at iba pang opisyal ng DOTC.
Pinanindigan ni Osmeña na makatotohanan ang detalye na nakapaloob sa subcommittee report lalo na ang mga paghihirap at miserableng kondisyon ng mga sumasakay sa MRT.
Wala din aniyang kwestiyon pagdating sa gross mismanagement ng DOTC at ang ulat na nakapanglumo ang kondisyon ng MRT sa ating bansa.
- Latest