Señeres umatras sa presidential bid
MANILA, Philippines – Umatras na rin sa presidential race si OFW Family Club partylist Rep. Roy Señeres, tatlong araw bago ang simula ng kampanya.
Ayon kay Señeres ang pagbawi sa kanyang kandidatura ay alinsunod na rin sa payo ng kanyang doktor na iwasan ang anumang “stress” para na rin sa kanyang kalusugan.
Ang pag-atras ni Señeres ay nagresulta sa pagbaba ng bilang ng maglalaban sa pagkapangulo kasabay ng pagsisimula ng pag-iimprenta ng balota sa Lunes.
Kabilang sa maglalaban ay sina Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Sen. Grace Poe at Mar Roxas.
- Latest