^

Police Metro

Hirit na ibasura ang kaso, sopla sa judge... Trillanes pwede nang ikulong

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil nag-recess na kahapon ang Kongreso, nagka­bisa na ang warrant of arrest na ipinalabas ng Makati Regional Trial Court laban kay Senador Antonio Trillanes IV at tapos na rin ang bisa ng immunity nito mula sa pagkakulong.

Magugunita na unang sinabi ni  Sen. Aquilino Pimentel III na hindi maaaring arestuhin habang nasa sesyon ng Kongreso si Trillanes na inutos ng isang korte na dakpin kaugnay ng kinakaharap nitong kasong libelo na isinampa ng suspendidong mayor ng Makati na si Junjun Binay.

Sinasabi ni Pimentel na, batay sa Konstitusyon, hindi maaaring arestuhin habang nasa sesyon ang Kongreso ang isa nitong miyembro na merong kaso na ang parusa ay hindi hihigit sa anim na taong pagkabilanggo.

Idinagdag ni Pimentel, kahit suspendido lang ang sesyon ng Kongreso sa panahon ng kampanya sa halalan at hindi naka-adjourned sine die (walang takdang petsa ng pagbalik sa sesyon), itinuturing pa rin na walang sesyon ito at babalik ang  sesyon ng Kongreso sa Mayo 23.

Kinumpirma ng abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles na umalis patungong Amerika ang senador para dumalo sa isang international forum.

Isinampa ang libelo ni Mayor Junjun dahil sa mga akusasyong katiwalian at plunder na ibinabato sa kanya ni Trillanes kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga proyekto sa Makati.

Sinabihan ni Judge Dina Teves ng Regional Trial Court Branch 142 ang abogado ni Trillanes na sabihan ang senador na maglagak na lang ng piyansa matapos ibasura ang mosyon nito na ihinto ang pagdinig ng kasong libelo at warrant of arrest laban sa kanya.

ANG

AQUILINO PIMENTEL

JUDGE DINA TEVES

JUNJUN BINAY

KONGRESO

MAKATI

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MAYOR JUNJUN

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

REYNALDO ROBLES

TRILLANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with