^

Police Metro

Political ads sa TV at radio nilimitahan ng Comelec

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ibabalik ng Commission on Elections (Comelec)  ang  dating pamantayan sa airtime limit ng mga kandidato para sa national at local elections 2016.

Sa  Comelec Resolution 100-49 na nagsisilbing implementing rules and regulations ng Fair Elections Act, gagawing minuto kada broadcast network o originating station ang pagbabasehan  airtime limit sa patalastas ng mga kandidato sa Eleksyon 2016 at hindi na ang kabuuang ads sa lahat ng broadcast network.

Nakasaad sa resolus­yon na ang mga kandidato sa national position ay may  hanggang 120 minuto na air time advertisement sa kada istasyon ng telebis­yon, at 180 minuto naman sa kada istasyon ng radyo.

Para sa mga kandidato sa lokal na posisyon, ang bawat kandidato ay may 60 minuto na air time advertisement limit sa bawat  istasyon ng telebisyon, at 90 minuto naman sa kada istasyon ng radyo.

Kinakailangan ang patalastas ay samahan ng audible words na “political advertisement paid for,” at dapat sundan ng totoong pangalan ng  kandidato o partido na makikinabang sa election propaganda.

Nabatid na noong taong 2001, inaplay ng Comelec ang pamantayan na ang 120 minuto ang kabuuang limit sa bawat kandidato sa political advertisements, subalit taong 2004 naman ay ipinatupad ang limit na 120 sa bawat TV network.

Noong 2013 ay mu­ling ipinatupad ang 120 minuto na limit sa kabuuan o lahat ng istas­yon na  naging dahilan upang kuwestiyunin ito sa Korte Suprema.

 

ACIRC

ANG

COMELEC

COMELEC RESOLUTION

ELEKSYON

FAIR ELECTIONS ACT

IBABALIK

KANDIDATO

KORTE SUPREMA

MINUTO

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with