^

Police Metro

Binata natagpuang patay sa kotse

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatay o nagpakamatay?

Ito ang katanungan ng mga otoridad tungkol sa isang binata na natagpuang patay sa loob ng kanyang nakaparadang sasakyan sa parking area ng isang hotel sa Pasay City kahapon ng umaga.

Ang biktima na nakilala sa pamamagitan ng nakuhang ID sa katawan nito na si Jose Florencio, 33, binata, empleyado, at  naninirahan sa #40 Bulacan St., West Avenue, Barangay Bungad, Quezon City.

Batay sa ulat, alas-9:25 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang sa parking area ng Base 2 Re­mington Hotel na matatagpuan sa Villamor Airbase ng lungsod ng sekyu na si  Maniel Katarungan, 27, ng Lanting Security Agency.

Ayon kay Katarungan na nakalanghap siya ng masangsang na amoy mula sa nakaparadang kulay gray na Honda City na may plakang UZQ- 474 sa slot no. 25, basement 2 sa parking area ng nasabing hotel at nang kanyang silipin ay nakita ang biktima na nakasaklob sa ulo ang isang transparent plastic, na may nakalagay na hose na naka-konekta naman sa isang cylinder balloon tank na may laman na hinihinalang helium gas (ginagamit na pampahangin  sa lobo).

Kaagad na ipinagbigay alam ni Katarungan sa hotel security management ang insidente na siya namang nag-report sa pulisya.

Nabatid na huling  nakitang buhay ang biktima noong Enero 30 nang mag-check-in ito at tumuloy sa room 5065 at lumabas ito kinabukasan ng alas-5:04 ng hapon.

Ayon sa pulisya, intact naman ang mga personal na gamit ng biktima at nalaman din na mahilig umano itong  maglaro sa casino.

Aalamin kung nahagip ng CCTV camera ang pangyayari upang malinawan ang insidente.

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY BUNGAD

BULACAN ST.

HONDA CITY

JOSE FLORENCIO

KATARUNGAN

LANTING SECURITY AGENCY

MANIEL KATARUNGAN

NBSP

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with