3 mag-utol na paslit nalunod
MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong paslit na magkakapatid makaraang malunod ang mga ito nang tangayin ng malakas na alon habang lumalangoy sa karagatan ng Babatngon, Leyte.
Kinilala ang mga magkakapatid na sina Ronalyn,10; Rayben Carl, 9 at Divine Aure, 8 na ang bangkay ay magkakasunod na narekober nitong kamakalawa at kahapon ng umaga.
Sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon ay lumalangoy sa karagatan ng Brgy. Taguite ang magkakapatid na paslit nang tangayin ng malakas na agos.
Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad at narekober nitong linggo ng hapon ang bangkay ni Rayben at kinabukasan ng alas-7:50 ng umaga ay ang bangkay nina Ronalyn at Divine Grace.
- Latest