^

Police Metro

Binay admin prayoridad trabaho sa lalawigan

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinangako ni Vice President Jejomar Binay na kapag nanalong pa­ngulo ng bansa sa 2016 ay bibigyan niya ng mas mahigit na atensiyon ang kabuhayan ng mga nasa lalawigan.

Anya, magpopokus ang Binay administration sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka upang sa ganun ay makapagbigay ng mga trabaho  para mawakasan na ang paghihirap ng mga tao na nakatira sa 15 lalawigan na may pinakamaraming mahihirap na pamilya.

Inihalimbawa ni Binay na batay sa datos ng National Anti-Poverty Commission’s 2012 Po­verty Estimates na ang mga nasa Lanao del Sur-67.3 percent ang kahirapan; Eastern Samar-55.4 percent;, Apayao-54.7 at Maguindanao-54.5 percent.

Binigyan diin ng Bise Presidente ang tungkol sa agrikultura matapos ilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kanilang ulat na nagpapakita na ang agricultural sector ay lumago lang ng 1.6 percent mula 2011 hanggang 2015.

“Balewala lang ang economic growth kung hindi naman mabibigyan ng trabaho ang mga tao lalo  doon sa mga nakatira sa lalawigan”. wika ni Binay.

Idinagdag pa nito na ang paglago ng sektor ng agrikultura sa panahon ng Aquino administration ay pinakakulelat kung pagbabatayan ang  nakalipas na limang naging pangulo ng bansa.

Sinabi pa ni Binay na lilikha ang kanyang administration ng mga economic zones sa  mga mataong lugar sa lalawigan at sasanayin ang mga magsasaka mula sa pagtatanim patungo sa agribusiness.

ACIRC

ANG

ANYA

APAYAO

BINAY

BISE PRESIDENTE

EASTERN SAMAR

MGA

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with