^

Police Metro

Enrile kay Bondal: Alegasyon kay Binay ‘di lulusot sa korte

Malou Escudero at Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi nakaligtas kay Senador Juan Ponce-Enrile sa kanyang pagsusuri ang mga ginawang presentasyon ni Atty. Renato Bondal sa mu­ling pagbubukas kahapon ng pagdinig ng Blue Ribbon Subcommittee sa alegasyon ng korapsyon laban kay Vice President Jejomar Binay.

Kaya’t ginisa ni Enrile si Bondal kung saan nito nakuha ang mga koneksyon ng sinasabing mga kaibigan ni Binay sa iba’t ibang kumpanya at magkano ang halaga ng dumadaang pera rito.

Ayon kay Enriel, ni­rerespeto niya ang mga presentasyon ni Bondal, subalit hindi ibig sabihin na tama at totoo ang mga ito ayon sa batas.

Anya, kulang ang ginawang pananaliksik ni Bondal at pawang mga espekulasyon lang ang pahayag na ito na hango lamang sa ulat ng mga dyaryo.

Idinagdag pa ni Enrile na hindi lulusot sa korte ang mga alegasyon laban kay Binay.

“Pag-ipapakita mo yan sa husgado, that’s meaningless.You have to trace the money, saan galing”, paano nangyari ang transfer ng pera.” tanong ni Enrile kay Bondal.

Inihayag din ni Enrile na “misleading figures” ang mga idinetalyeng anomalya na ‘di umano may koneksyon kay VP Binay.

Sinabi naman ni Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesperson for political affairs na walang pagbabago ang ginawang hearing ng komite kung ano ang pinasimulan nila ay ganun din ang nangyari na pawang walang katotohanan, binabago lang ang pagsisinunga­ling, walang basehan ang mga alegasyon, pagsasayang lang ng panahon at pera ng taumbayan.

ACIRC

ANG

BINAY

BLUE RIBBON SUBCOMMITTEE

BONDAL

ENRILE

MGA

RENATO BONDAL

RICO QUICHO

SENADOR JUAN PONCE-ENRILE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with