^

Police Metro

Drug buster wala sa radar ng PNP-AIDG

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala sa radar ng PNP-AIDG ang Marine officers na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino simula ng umalis ito sa hanay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ang pahayag ni PNP-Anti Illegal Drugs Group (AIDG) spokesman P/Chief Insp. Roque Merdegia laban kay Marcelino kasama ang dayuhang si Yan Yi “Randy” Shou sa isinagawang raid sa mini-laboratory sa Sta. Cruz, Manila noong Huwebes.

Ayon kay Mardeguia, wala sa kanilang listahan ng mga target personality si Marcelino kaya nagtataka rin sila kung bakit naroon ito sa loob ng nasabing bahay sa inilunsad na operasyon.

Hindi pa rin malinaw ang kaugnayan ni Marcelino sa grupo ng dayuhang si Atong Lee dahil mas malinaw pa ang koneksyon nito kay Shou na kasama niyang nasakote sa nasabing lugar.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP-AIDG sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makakuha ng kompirmasyon sa mission order na hawak ni Marcelino dahil tanging ang sertipikasyon pa lamang ang kanilang hawak na isinumite ng Intelligence and Security group ng Philippine Army.

Sa naturang sertipikasyon ay nakasaad na nagbibigay ng intelligence information si Marcelino laban sa ilang sundalo  na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Wala ring personalidad na lumutang para patuna­yan ang sinabi ni Marcelino kaya napilitang arestuhin ito at sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ATONG LEE

CHIEF INSP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS GROUP

FERDINAND MARCELINO

INTELLIGENCE AND SECURITY

MARCELINO

PHILIPPINE ARMY

ROQUE MERDEGIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with