Presidente atbp puwede nang manumpa sa barangay chairman
MANILA, Philippines - Hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Noynoy Aquino sa isang panukalang batas na maaari nang manumpa ang mga halal na opisyal ng gobyerno tulad ng presidente sa mga kapitan ng barangay.
Sa ilalim ng Senate Bill 2693, ang may 42,000 barangay captain sa buong bansa ay maaari ng mag-administer ng oaths ng Vice-President, miyembro at secretaries ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, miyembro ng Hudikatura, Secretaries of Departments, provincial governors at Lieutenant governors.
Gayundin ang city mayors; municipal mayors; bureau directors; regional directors; clerks of courts; registrars of deeds, iba pang civilian officers sa bansa na itinalaga ng Pangulo at sasailalim sa confirmation ng Commission on Appointments at iba pang constitutional officers at notary public.
Ayon kay Camarines Sur Rep. Salvio Fortuno, may akda ng panukala sa Kamara, na may karapatan din ang mga government officials na mamili kung kaninong public officials nila gustong manumpa.
Ang nasabing panukala ay puputol sa matagal ng tradisyon kung saan ang presidente ang nanunumpa sa Chief Justice.
- Latest