^

Police Metro

Jeepney drivers binalaan ng LTFRB sa P7 pasahe... kakasuhan ang ayaw magbaba ng pasahe

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang kasuhan ng overcharging ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang sinumang jeepney drivers na ayaw magbaba sa P7 ng singil sa pasahe sa jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4.

Ito ang naging babala ni Atty Ariel Inton-boardmember ng LTFRB laban sa mga jeepney drivers na patuloy na naniningil ng P7.50 minimum fare minsan ay P8 sa jeep at ayaw sundin ang P7 fare rollback.

Dinagsa ng reklamo ang LTFRB hinggil sa hindi umano pagpapatupad ng karamihang jeepney driver sa Metro Manila sa P7 fare na nagsimula kahapon.

Paliwanag naman ng mga driver na hindi nasunod sa fare rollback na kailangan pa nila ng fare matrix kayat hindi sinusunod ang P7 pasahe na lamang sa jeep.

Sinabi ni Inton na hindi na kailangan ang fare matrix dahil sa provisional rollback lang ito batay sa ilalim ng LTFRB rule of procedures, kailangan lamang na mai-publish sa general circulation na mga diyaryo ang impormasyon sa fare rollback at agad itong maipatutupad.

Pagmumultahin ng P5,000 ang mga ayaw sumunod sa implementasyon ng P7 rollback sa pasahe sa passenger jeepney.

ACIRC

ANG

ATTY ARIEL INTON

DINAGSA

FARE

INTON

ITO

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

METRO MANILA

NAKATAKDANG

REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with