^

Police Metro

6 buwan maternity leave sa empleyado ikinasa ni Pacquiao

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghain ng isang panukalang batas si Saranggani Rep. Manny Pacquiao na naglala­yong bigyan ng anim na buwang maternity leave ang mga empleyado.

Sa House Bill 3590, itinatakda nito na ang babaeng empleyado ng gobyerno at pribadong sektor na mag-maternity leave ng 180 days o anim na buwan kapag nakapagtrabaho na ito sa loob ng dalawang taon sa isang kumpanya o higit pa.

Nakasaad din sa pa­nukala na sa loob ng anim na buwan na maternity leave ay buo ang sahod ng isang emple­yado.

Kung ang isang empleyado naman ay nakaka-isang taon pa lamang sa trabaho ay entitled pa rin ito sa anim na buwang maternity leave, subalit kalahati lamang ang magiging sweldo nito.

Anya, negatibo para sa babaeng empleyado kung kulang sa panahon para makarekober ang mga ito mula sa panga­nganak  dahil  nagiging dahilan umano ito ng absenteeism at humihina ang performance sa trabaho.

Nakasaad pa sa panukala na karamihan sa mga bansa sa Europa ay nagbibigay na ng ganitong kahabang maternity leave at habang sa Asya ay tanging ang Vietnam lamang ang nagbibigay ng anim na buwang maternity leave sa mga empleyado.

Ang Indonesia, Cambodia, China, Laos at Thailand ay nagbibigay lamang ng tatlong buwang maternity leave with pay.

ACIRC

ANG

ANG INDONESIA

ANYA

ASYA

LEAVE

MATERNITY

NAKASAAD

SA HOUSE BILL

SARANGGANI REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with