^

Police Metro

Pamilya, 3 dedo sa military truck

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang mag-asawa at kanilang anak matapos salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang military truck sa highway ng Barangay Looy, South Upi, Maguindanao kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay ang mag-asawang JP at  Cristina at kanilang anak na si Yassy Meria, kapwa residente ng Brgy.  Burungutan, South Upi, Maguindanao.

Batay sa report, lulan ang mag-anak ng kanilang motorsiklo galing Lebak, Sultan Kudarat at pauwi na ng kanilang bahay, pero pagsapit sa kurbadang daan ng nasabing barangay ay nasalpok sila ng military truck ng Marine Battalion Landing Team (MBLT-5).

Ang pamilya ay isinugod sa pagamutan, subalit idineklarang dead on arri­val habang sumuko naman ang driver ng military truck na si Pfc. Alexis Nadal.

Lumalabas na inokopa umano ng military truck na galing sa Awang, Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao ang pakurbang daan ng kalsada at nabangga ang kasalubong na motorsiklo ng pamilya.

Sinasabing accident prone area ang naturang lugar at marami ng kahalintulad na aksidente ang nangyayari dito.

vuukle comment

ACIRC

ALEXIS NADAL

ANG

AWANG

BARANGAY LOOY

DATU ODIN

MAGUINDANAO

MARINE BATTALION LANDING TEAM

SOUTH UPI

SULTAN KUDARAT

YASSY MERIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with