^

Police Metro

Truck driver dinedo ng helper

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posible umanong napikon ang isang pahinante nang siya ay pagalitan ng kanyang truck driver kaya’t sinaksak niya ito sa dibdib kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Joselito Andres, 39, ng Don Pablo Street, Brgy. Palanas, ng naturang lungsod.

Agad naaresto ang suspek na si Sonny Boy Francisco, 33, ng Brgy.Cadowan, Cadiz, Negros Occidental.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-11:50 ng gabi ay itinali ni Francisco ang pinto ng driver’s seat ng kanilang delivery truck (XDE-150) habang nakaparada sa may Mabolo Street, Brgy. Santolan.

Nang dumating si Andres ay nahirapan itong buksan ang pinto kaya’t pinagalitan ang kanyang mga pahinante kabilang si Francisco na agad na kinalag ang pagkakatali.

Habang nasa loob ng sasakyan ay biglang inakbayan ni Francisco si Andres at tinarakan ng patalim sa dibdib.

Nagawa pang makalabas ng trak at makatakbo ng biktima saka makahingi ng saklolo sa mga tanod na nagsugod sa kanya sa pagamutan, subalit namatay ito sa daan pa lamang.

vuukle comment

ANDRES

ANG

BATAY

BRGY

CADIZ

DON PABLO STREET

JOSELITO ANDRES

MABOLO STREET

MALABON CITY

NEGROS OCCIDENTAL

SONNY BOY FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with