^

Police Metro

Mekaniko tinodas dahil sa P60 utang

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatay ang isang mekaniko na sinasabing di-nakapagbayad ng P60 na pagkakautang sa biniling balot matapos pagtulu­ngang gulpihin ng magkapatid na lalaki sa Roamsiville, Koronadal City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Almodiente ng Sitio Supon, Barangay San Jose sa nasabing lungsod.

Nasakote naman ang suspek na si John Rex Moden habang pinaghahanap ang utol nitong si Jofevon Moden.

Nabatid na pumagitna ang biktima sa away ng suspek na si John Rex at ng asawa nito.

Gayon pa man, nagalit ang suspek sa biktima at siningil ito sa kanyang utang na P60 sa biniling balot.

Nagalit din ang biktima dahil ipinahiya ito sa harap ng maraming tao kaya sumiklab ang away.

Nakihalubilo naman sa away ang kapatid ng suspek na si Jofevon kung saan sinuntok nito sa leeg ang biktima gamit ang tsakorno na naging dahilan nang pagkakatumba nito saka pinagtulu­ngang gulpihin.

Naisugod naman sa South Cotabato Provincial Hospital subalit idineklarang patay ang biktima.

ACIRC

ANG

BARANGAY SAN JOSE

JOFEVON MODEN

JOHN REX

JOHN REX MODEN

KORONADAL CITY

SITIO SUPON

SOUTH COTABATO

SOUTH COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

WILFREDO ALMODIENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with