Mister inakalang nambastos, tinodas
MANILA, Philippines – Napaslang ang 40-anyos na mister na inakalang nambastos matapos itong saksakin sa leeg ng hindi kilalang lalaki sa loob ng videoke bar sa Austria Steet, Novaliches sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Naisugod sa Hope General Hospital subali’t idineklarang patay ang biktimang si Florante Morales ng Mabini Street sa Barangay Forbes, Tondo, Pangasinan.
Tumakas naman ang suspek na may kasamang babae na naka-pulang t-shirt, naka-short at bullcap.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jogene Hernandez, umiinom ng alak ang biktima at suspek sa magkahiwalay na mesa sa loob ng videoke bar kung saan inakala ng babae na binastos siya ng biktima.
Gayon pa man, nilapitan ng suspek ang biktima na sinasabing nambastos sa kasamang babae saka ito sinaksak sa leeg bago tumakas.
- Latest