^

Police Metro

NGCP tower pinasabog uli

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pinasabog sa bayan ng Aleosan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Sr. Inspector Jun Napat, hepe ng Aleosan Police, bandang alas-11:58  ng gabi nang sumabog ang itinanim na Improvised Explosive Device (IED) ng mga armadong kalalakihan sa tower ng NGCP sa Brgy. Pagangan, Aleosan.

Ang nasabing tower ay may dalawang kilometro ang layo mula sa highway at nasa bulubunduking lugar  sa nasabing bayan.

Dalawang poste ng tower ang napinsala sa nasabing pambobomba habang narekober naman sa ikatlong poste ang isa pang IED na mabuti na lamang at hindi pumutok.

Ang pagkawasak ng tower ay nagdulot ng patay-sinding kuryente sa mga bayan ng Pikit, Aleosan, Midsayap, Pigcawayan, Libungan at Alamada sa lalawigan ng North Cotabato.

ALAMADA

ALEOSAN

ALEOSAN POLICE

ANG

AYON

BRGY

DALAWANG

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

NORTH COTABATO

SR. INSPECTOR JUN NAPAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with