^

Police Metro

4-anyos mag-aaral iginapos ng guro

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanginang makasuhan ang isang guro ng private school matapos nitong itali sa upuan ang isang estud­yante  dahil ayaw nitong magpraktis ng sayaw kamakalawa sa Taguig City.

Ayon sa Department of Education (DepEd) Taguig-Pateros District, ang suspek ay isang  teacher ng Spring Bridge School sa M. L. Quezon Street, Barangay Wawa sa nabanggit na lungsod.

Samantala, itinago naman sa pangalang Roger ang 4-anyos na biktimang lalaki ng nasabing lugar.

Sa reklamo ng ina ng biktima, naganap ang insidente noong Martes ng umaga (Enero 12) sa loob ng klasrum ng nasabing shool.

Nabatid na itinali ang biktima sa upuan dahil tinatamad itong magpraktis ng sayaw.

Nagsumbong ang bata sa ina at tinext naman kaagad nito ang teacher ng kanyang anak na humihingi naman ng paumanhin  sa naganap na insidente.

Subalit, ayon sa ina ng biktima, kailangang ireklamo niya ang teacher dahil ang bata ay ayaw nang pumasok ng paaralan na sinasabing na-trauma sa sinapit nito sa kamay ng kanyang guro.

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY WAWA

DEPARTMENT OF EDUCATION

ENERO

NABATID

QUEZON STREET

SPRING BRIDGE SCHOOL

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with