^

Police Metro

Jeepney vs tren: 1 patay, 5 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa ang namatay habang lima naman ang sugatan kabilang ang dalawang na nasa malubhang kalagayan matapos mahagip ng tren ang  pampasaherong jeepney sa Pedro Gil, Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa  Sta. Ana Hospital ang isang hindi pa kila­lang babae na nasa edad 50-60, katamtaman ang pangangatawan na pinaniniwalaang isang tea­cher  dahil sa suot nitong uniporme.

Sa ulat ni SPO2 Mario Lising ng Manila District Traffic Enforcement Unit, nasa Lourdes Hospital ang biktimang si Carilla Gildret, 30, overseas Filipino worker (OFW), ng  River City Residences, Sta. Ana, Maynila; habang si Glecy Yai, 41, cashier, ng #139 Waling-Waling Street sa Punta, Sta. Ana, Maynila ay nasa  Philippine Ge­neral Hospital.

Nakauwi na ang tatlo pang sugatan na isinugod sa Sta. Ana Hospital na sina Romeo Gragasin, 57, aircon technician; Paul Vincent Aquilino, 18, estudyante; at si E­lizabeth Queen Magat, 19, estud­yante.

Nabatid na bandang alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Pedro Gil at Quirino Avenue kung saan nasalpok ng tren ng Philippine National Railways  ang jeepney (PCV 165) na  minamaneho ni Marlon Verdida.

Ilan sa mga nakasaksi sa insidente na naghabol ang driver ng jeepney sa pagbaba ng barrier ng railroad crossing kaya inabot ito ng tren.

Sumalpok na ang jeepney sa isang aluminum  delivery van.

ACIRC

ANA HOSPITAL

ANG

CARILLA GILDRET

GLECY YAI

LOURDES HOSPITAL

MANILA DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MARIO LISING

MAYNILA

NBSP

PEDRO GIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with