Enrile: Re-opening sa imbestigasyon ng Mamasapano walang pulitika
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang akusasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na may halong pulitika ang gagawing pagbubukas muli ng pagdinig ng insidente sa Mamamasapano na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) noong nakaraang taon.
Anya, wala siyang galit laban sa Pangulo pero nais niyang gawing malinaw kung ano ang naging partisipasyon nito sa nangyari dahil hindi pa malinaw kung ano talaga ang naging papel ng Pangulo na sinasabing siyang pinaka-responsable umano sa nangyari.
Ayon pa kay Enrile, wala siyang ibang motibo sa paggigiit na buksang muli ang imbestigasyon at hindi siya dapat paghinalaan na mayroon siyang political agenda.
Hindi naman niya igigiit na dumalo sa pagdinig ang Pangulo pero igagalang umano niya ito sakaling magdesisyon siyang dumalo.
- Latest