^

Police Metro

92 pulis ng AIDG sinorpresa sa drug test

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mistulang nasorpresa ang 92 tauhan ng PNP-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG)  nang magsagawa ng on the spot random drug testing kahapon sa Camp Crame.

Ayon kay PNP-AIDG Chief of Staff P/ Senior Supt. Leonardo Suan, ang hakbang ay upang matiyak na malinis o walang gumagamit ng droga sa kanilang mga tauhan lalo pa nga at ang kanilang hanay ang sumusugpo kontra sa bawal na gamot.

Ang random drug test ay regular na ginagawa ng kanilang tanggapan bilang bahagi ng disiplina at pagiging propesyunalismo sa serbisyo.

Mayroong nilagdaang kasunduan  ng pumasok ang mga ito sa PNP-AIDG na dapat boluntaryong sumailalim sa drug test ang isang tauhan kapag pinaghihinalaan o may senyales na gumagamit ang mga ito ng illegal na droga.

Nagbabala naman ang opisyal na sakaling mapatunayang guilty sa paggamit ng illegal na gamot ay sisibakin ito sa serbisyo at kakasuhan pa.

 

ANG

AYON

CAMP CRAME

DRUGS GROUP

LEONARDO SUAN

MAYROONG

MISTULANG

NAGBABALA

NBSP

PNP

SENIOR SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with