MRT, LRT stations ipagbawal sa political ads
MANILA, Philippines – Ipagbawal ang paglalagay ng mga political advertisement sa mga rail system kabilang na ang Metro Rail Transit at Light Rail Transit.
Ito ang naging panawagan ng grupong transportasyon na Consumer Safety and Protection sa Commission on Elections (Comelec) sa idinaos na public consultation kaugnay ng pagpapatupad sa Fair Elections Act.
Iginiit ni Elvira Medina, ng nasabing grupo na dapat ipagbawal ang mga campaign poster o anumang pol ads sa mga rail system dahil ito ay kontrolado ng gobyerno.
Ang LRT at MRT, bagamat may isyu sa ownership na sinasabing hawak ng pribadong kumpanya ang mga ito ay pinatatakbo naman ng pamahalaan.
Sinabi naman ni Commissioner Christian Robert Lim na sa kanyang pananaw, dapat na ipagbawal ang paglalagay ng mga pol ads sa mga lugar na pag-aari at kontrolado ng gobyerno at kabilang na rito ang MRT at LRT, at maging ang mga paliparan, pero ok lang ang pol ads sa mga pribadong terminal.
- Latest