2 Tsinoy timbog sa P185-M shabu
MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P185 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa dalawang Tsinoy na naaresto sa isinagawang drug bust operation kahapon ng mga otoridad sa Valenzuela City.
Ang mga nadakip na suspek na umano ay bigtime drug trafficker ay kinilalang sina Sonny Ang Perine, 67, ng La Trinidad, Benguet; at Benito Sy Tiuseco, 47, ng San Pablo, Laguna.
Batay sa ulat, nasakote ang mga suspek dakong alas-8:30 ng umaga sa harapan ng isang gasoline station sa kahabaan ng Narciso Street, Brgy. Lawang Bato ng lungsod.
Sakay ng isang kulay puti na Chevrolet Venture (XHY-872) at nakuha ang ilang piraso ng droga habang ang iba pa ay sa follow-up operation sa isang bodega sa kahabaan ng East Service Road sa nabanggit ring barangay.
Umaabot sa 37 kilo ng shabu na nakumpiska mula sa mga suspek kabilang ang mga nakatago sa 12 heavy duty turret milling machine sa bodega ng mga ito.
Ang nasabing milling machine ay galing pa sa China at iginiit na ang raid ay base sa ipinalabas na search warrant ng korte matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal na aktibidades ng mga suspek.
Ang operasyon ay bahagi ng kampanya ng PNP-AIDG laban sa mga high value target at maging sa mga international drug syndicate na nasa likod ng pagpupuslit ng droga sa bansa.
- Latest