113 miyembro ng PSPG inisnab ang total recall
MANILA, Philippines - Pagpapaliwanagin ng liderato ng PNP ang nasa 113 police personnel ng Police Security and Protection Group (PSPG) na idineploy bilang mga escorts ng mga VIPs kabilang ang mga pulitiko at kandidato matapos mabigo ang mga ito na tumugon sa ipinag-utos na “total recall” o accounting ng tropa sa Camp Crame kahapon.
Sa kabuuang 965 PSPG personnel na tinanggal na sa mga pulitiko ay 113 police escorts na nakatalaga sa Metro Manila ang nabigong mag-report kahapon.
Sinabi ni PSPG Director P/Chief Supt. Alfred Corpuz na kailangang magpaliwanag ang mga hindi sumipot sa accounting ng kanilang mga pulis na tinanggal na bilang mga security escorts partikular na ng mga kandidato kaugnay ng gaganaping national polls sa Mayo ng taon.
Nagbabala ang opisyal na papatawan ng kasong administratibo ang mga hindi katanggap-tanggap ang kadahilanan kung bakit nabigo ang mga itong mag-report sa PSPG.
- Latest