^

Police Metro

Pulis hindi imbitado sa birthday party, nagwala

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang bagitong pulis nang magwala at namukpok ng baril sa isang birthday party matapos na hindi siya imbitahan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek na nahaharap sa mga kasong slight physical injury, trespassing at malicious mischief ay si PO1 Jake Valleroso, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion sa Camp Bagong Diwa, Taguig City matapos na ireklamo ng mga biktimang sina Bryan Cayabyab, 21, estudyante; Richard Cleofe, 48; at Angelina Soriano-Cayabyab, 44, pawang mga residente ng No. 87 M. Peralta Street, Brgy. 63, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi sa kanto ng 10th Avenue West at Peralta Street na kung saan may birthday party ay dumating ang suspek na lango sa alak ay agad na tinutukan ng baril ang mga biktima at pinukpok ng baril sa ulo si Cayabyab.

Sa takot na tuluyang mamaril ang suspek, nagsitakbuhan sa kanilang bahay ang mga biktima ngunit sinundan pa rin umano ni Valleroso at sinisira ang pinto ng bahay hanggang sa dumating ang mga tauhan ng barangay at Police Community Precinct 2 na siyang umaresto sa suspek.

vuukle comment

ANG

ANGELINA SORIANO-CAYABYAB

AVENUE WEST

BRYAN CAYABYAB

CALOOCAN CITY

CAMP BAGONG DIWA

JAKE VALLEROSO

PERALTA STREET

POLICE COMMUNITY PRECINCT

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

RICHARD CLEOFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with