^

Police Metro

Chokepoint, checkpoints ilalatag... gun ban simula ngayon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ngayong araw na ang simula ng gun ban na mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay  ng gaganaping national elections sa Mayo.

Kaya muling ipinaalala ni PNP Chief P/Director General Ricardo Marquez, bawal na ang pagdadala ng baril at sinumang lalabag dito ay aarestuhin.

Alinsunod sa gun ban kanselado muna ang lahat ng  Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).

Tanging ang mga naka-duty na mga pulis, sundalo at iba pang law enforcement agencies na nakasuot ng kumpletong uniporme ang pinahihintulutang magdala ng baril.

Itinakda ang gun ban simula alas-12:01 ng madaling araw ng Enero 10 na tatagal hanggang Hunyo 8, o isang buwan matapos ang May 9 national elections.

Sinabi rin ni Marquez na asahan na ang pag­lalatag ng chokepoints at checkpoints sa mga kritikal o istratehikong lugar ngayong nalalapit na ang halalan.

Pinaalalahanan ni Marquez ang kapulisan na maging ‘apolitical’ o walang kinikilingang kandidato sa panahon ng eleksyon at tinagubilan ang mga miyembro na ipamalas ang propesyonalismo at dedikasyon ng mga pulis upang matiyak ang SAFE (Safe and Fair Elections) 2016.

ACIRC

ALINSUNOD

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

ENERO

MARQUEZ

PERMIT TO CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAFE AND FAIR ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with