Solons maglalabas ng sariling report sa Mamasapano incident
MANILA, Philippines – Isang grupo ng mga kongresista na dating mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (AFP-PNP) ang balak na maglabas ng sarili nilang report kaugnay ng Mamasapano incident.
Ang Saturday group na kinabibilangan nina Reps. Samuel Pagdilao (ACt-CIS partylist), Leopoldo Bataoil (Pangasinan), Romeo Acop (Antipolo), Gary Alejano at Ashley Acedillo (Magdalo partylist) ay naghihintay na lamang ng opisyal na report ng House Committees on Public Order and Safety at Peace, Reconciliation and Unity sa ginawang imbestigasyon sa Mamasapano noong Enero 25, 2015 upang ilabas ang sarili nilang report.
Siniguro ng grupo na maglalaman ito ng buo at patas na katotohanan para mabigyan ng katarungan ang SAF 44 at sa sandaling mabuo ipapasa muna ang report sa dalawang komite ng kamara bago ito tuluyang isapubliko bilang respeto na din sa mga lupon ng Kamara.
Mayroon na rin draft report ang komite kung saan abswelto si Pangulong Aquino sa anumang responsibilidad sa malagim na insidente.
- Latest