P-Noy inabswelto sa Mamasapano
MANILA, Philippines – Inabswelto si Pangulong Noynoy Aquino sa anumang pananagutan kaugnay ng Mamasapano massacre na ikinasawi ng 44 pulis na miyembro ng Special MANILA, Philippines – Action Force (SAF).
Ito ay base sa laman ng draft ng Committee report ng House Committee on Public Order and Safety sa isinagawa nilang imbestigasyon sa naturang insidente noong nakaraang taon.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Jeffrey Ferrer, chairman ng komite na walang liability ang Pangulo sa Mamasapano incident noong Enero 25, 2015 dahil ginawa naman nito ang lahat ng dapat para maayos na mailunsad ang operasyon laban sa teroristang si Marwan at Basit Usman.
Nagkataon lamang umano na hindi ito lubos na sinunod ng mga opisyal ng Philippine National Police o PNP kaya nagkaroon ng bulilyaso.
Nilinaw ni Ferrer na ang draft committee report ay iniikot na para sa approval ng mga miyembro ng Public Order and Safety Committee on Peace, Reconciliation and Unity na kasamang nagsiyasat ng insidente.
Siniguro naman ng mambabatas na mailalabas na ang opisyal na Committee report bago magtapos ang 16th Congress, subalit mas mabuti na rin umanong patapusin na muna ang ibang prayoridad ng Kamara tulad ng Bangsamoro Basic Law (BBL) para hindi na magamit pa ang kanilang report sa mga tutol sa panukala.
Inamin ni Ferrer na hindi na siya pressured na ilabas ang report dahil nakapag-imbestiga at nakapaghain na ng kaso ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga sangkot sa pagpatay sa SAF 44 at naparusahan na rin ang mga opisyal ng PNP na sumablay sa tungkulin.
Sinabi naman ng PNP na handa sila sa pagbubukas muli ng imbestigasyon ng Mamasapano.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na nakahanda ang PNP na makipagkooperasyon sa pagbubukas muli ng imbestigasyon sa kaso na planong gawin sa unang taong anibersaryo ng Fallen SAF 44 lalo pa’t hindi pa nabibigyang hustisya ang mga bayaning elite forces troopers.
- Latest