^

Police Metro

5K pulis bantay sa Nazareno

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa 5,000 pulis ang nakatakdang ipa­kalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  para sa piyesta ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church sa darating na Sabado.

Ayon kay NCRPO Chief P/Director Joel Pagdilao nasa 4,000 ang idedeploy ng Manila Police District (MPD) at bukod dito ay may karagdagan pang mga Special Weapons and Tactics (SWAT) team, Intelligence operatives o mga detectives, medical team at mga miyembro ng Explosive Ordnance Division kaya aabot sa 5,000 ang kabuuang bilang ng ipakakalat na mga pulis.

Anya, mula sa prusisyon sa Quirino Grandstand sa kung saan magsisimula ang ‘traslation’ pabalik sa Basilica Minor ng Quiapo Church ay bantay sarado ito sa kapulisan.

Binigyang diin ni Pagdilao na dalawang araw bago ang kapiyestahan ng Itim na Nazareno ay kailangang malinis na ang anumang sagabal tulad ng mga sasakyang nakaparada at stall sa daraanan ng prusisyon.

Patuloy pa rin ang monitoring ng intelligence community sa ‘threat assessment’ o banta sa seguridad lalo’t inaasahan na daragsain ng milyong katao ang prusisyon ng Black Nazarene.

Partikular na mahigpit ring babantayan ay ang mga kawatan tulad ng mga salisi gang, mandurukot  at iba pang masasamang elemento na posibleng magsamantala sa okasyon.

ANG

BASILICA MINOR

BLACK NAZARENE

CHIEF P

DIRECTOR JOEL PAGDILAO

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

ITIM

MANILA POLICE DISTRICT

MGA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

QUIAPO CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with