^

Police Metro

LTO kakalampagin sa modified na sasakyan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nangako kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) hinggil sa hindi mapigilan na mga modipikasyon sa mga pribado at pampublikong sasakyan na maaaring ma­ging sanhi ng aksidente.

Ito ay makaraang dagsain ng reklamo si MMDA Chairman Emerson Carlos ukol sa mga pribadong sasakyan na nagkakabit ng mga LED na ilaw habang ang ilan ay may mga blinker pa. Bukod dito, may mga sumbong din na naglipana at nauuso ngayon na nakasisilaw na LED headlight at maiingay na open muffler sa mga motorsiklo na mistulang hindi nasasaway ng mga otoridad.“Hayaan ninyo po at kakausapin natin ang bagong LTO Chief Bobbit Cabrera ukol dito,” ani Carlos na pabor na ipagbawal ang anumang modipikasyon sa mga sasakyan na walang permiso sa pamahalaan.

Sa mga pampublikong jeep, marami rin ang reklamo ukol sa modipikasyon sa pagpapahaba o ekstensyon ng katawan nito.

Mula sa dating siyam na upuan, nagiging 14 magkabilang bahagi ang kapasidad ng mga pampublikong jeepney partikular sa mga bumibiyahe ng Monumento-Malinta-Bulacan sa pamamagitan ng North Luzon Expressway.

Maituturing umano na overloading ito dahil sa lagpas sa kapasidad ng tamang sukat ng pampasaherong jeepney at maaaring maging mapanganib sa kalsada dahil sa sobrang bigat.

Base sa batas, sinabi ng MMDA na lahat ng modipikasyon na gagawin sa isang sasakyan ay dapat aprubado ng LTO bago mabigyan ng rehistro at payagang makabiyahe sa lansangan.

ACIRC

ANG

BUKOD

CHAIRMAN EMERSON CARLOS

CHIEF BOBBIT CABRERA

HAYAAN

ITO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with