Mga estudyante hahasain sa pagbabasa at pagbibilang
MANILA, Philippines – Paiigtingin ng Department of Education (DepEd) ang mga etudyante sa pagbabasa at pagbibilang ngayong2016, kasabay ng pagpapatupad ng K to 12 program ng pamahalaan.
Ito ay batay sa ipinalabas na guidelines ng kagawaran hinggil sa pagbabantay at ebalwasyon ng kaalaman ng kindergarden hanggang sa Grade 3 sa matematika at pagbabasa.
Ayon sa DepEd, gagamitin na ang Early Grade Reading Assessment (EGRA) at Early Grade Math Assessment (EGMA) para masiguro ang kalidad ng implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) at literacy/numeracy program para sa mga estudyante sa buong kapuluan.
Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, kailangan sukatin ang kaalaman ng mga estudyante habang maaga upang masiguro ang dapat na gawin para makaangkop sa aralin.
Gagamitin ng DepEd na panukat ang programa para malaman kung epektibo at episyente ang repormang ipinatutupad sa kurikulum ng kagawaran.
Ang lahat ng mga dapos na makukuha mula sa pagsukat ng kaalaman ay siyang ipadadala sa gumagawa ng polisiya, plano at programa sa national at regional level.
Maging ang paggamit ng MTB-MLE ay layunin maitaas ang kaalaman at kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral sa bansa.
- Latest