^

Police Metro

Taiwan sinopla ng AFP sa freedom voyage

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang karapatan ang Taiwan o ang sinuman na magreklamo.

Ito ang reaksyon kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pakikiisa ng Taiwan sa China matapos itong umal­ma na rin sa isinagawang ‘freedom voyage’ ng isang grupo ng kabataang estud­yante upang iprotesta at igiit na pag-aari ng  Pilipinas ang teritoryong pinag-aagawan sa West Philippine Sea.

“ They did not disturb or harm anyone. We find no reasons for others to complain,” pahayag ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla bilang tugon sa pagpalag ng Taiwan sa ‘freedom voyage ng “Kalayaan Atin Eto” ng grupo ng kabataan.

Nabatid na pinalagan ng Taiwan Ministry of Fo­reign Affairs  ang ‘freedom voyage’ dahil nakakasira umano ito sa kapayapaan, istabilidad sa isyu ng West Philippine Sea at nilalabag din ng mga estudyante ang soberenya ng kanilang bansa.

Ang grupo ng kabataan na nasa 47 ang bilang ay nakarating at nag-camping sa Pag-asa Island, isa sa mga islang inookupa ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritor­yo sa West Philippine Sea noong Disyembre 27, 2015.

Samantalang aabot naman sa 38 pa sa mga ito ay naiwan sa Puerto Princesa City, Palawan.

Si dating Marine Captain Nicanor Faeldon, isa sa mga namuno sa bigong pag-aaklas laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Hulyo 2003 ang nag-organisa at nagsusuperbisa sa freedom voyage bilang protesta sa pambu-bully ng China sa mga bansang kaagaw nito. Tinangka naman ng AFP na pigilan ang mga kabataan na maglayag patungong Pagasa Island pero hindi nagpaawat at itinuloy ang kanilang plano.

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

KALAYAAN ATIN ETO

MARINE CAPTAIN NICANOR FAELDON

PAGASA ISLAND

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PILIPINAS

PUERTO PRINCESA CITY

RESTITUTO PADILLA

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with