2 sundalo itinumba ng tandem
MANILA, Philippines – Dalawang sundalo ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects malapit sa isang radio station kahapon sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ang dalawang sundalo na kasapi ng Army’s 65th Infantry Battalion ay kinilalang sina Sgt. John Saballe at Pfc. Sofronio Grame.
Batay sa ulat, bago nangyari ang pananambang habang bumibili ang dalawang sundalo sa isang vegetables and fruit store malapit sa Ranao Broadcasting Corporation sa nasabing lugar nang ito ay lapitan ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at walang kaabog-abog na pinagbabaril.
Ayon kay Col. Roseller Murillo, Commander ng Army’s 103rd Brigade na ang dalawang sundalo ay inatasang kumuha ng mga impormasyon hinggil sa nangyaring pag-atake noong Sabado sa ABS-CBN news team (Iligan City based) sa Banggolo District sa Marawi City kung saan nakaligtas ang reporter na si Ronnie Enderes, cameraman Emilito Balansag at ang driver na si Garry Montecillo sa pananambang.
Malaki ang hinala ng mga otoridad na mga Muslim extremist ang nasa likod nang pananambang.
- Latest