^

Police Metro

P242.12-M ari-arian sinira ng NPA rebels

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P 242.12-M halaga ng mga heavy equiptments at produkto ang nawala o nalugi sa mga negos­yante sa Eastern Mindanao dahilan sa serye ng mga pag-atake at pangha-harass  ng mga nangingikil ng revolutionary tax na mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ito ang inihayag kahapon ni Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) base sa kanilang year end report sa pagtatapos ng taong 2015.

Ang pinsala ay mula sa sinabotahe o sinilabang mga construction equiptment  na nagsasagawa ng proyekto  sa Eastern Mindanao Region at produktong agrikultura  tulad ng mga saging at pinya mula sa mga farm ng multi-national companies na ni-raid ng mga rebelde.

Kabilang sa mga nawasak ay kabuuang P34.71-M sa unang bahagi ng 2015; P34.58 sa ikalawang yugto ng taon; P92.72 M sa ikatlong quarter at P 84.11-M naman mula Oktubre hanggang Disyembre.

Ang mga pag-atake at iba pang mga karahasang kinasangkutan ng NPA rebels ay nakaapekto sa progreso ng rehiyon gayundin sa kabuhayan ng mga residente.

Dahilan sa mga pag-atake ng NPA rebels partikular na sa mga kumpanya at mga farm ng mga negosyante ay inatasan ang mga sundalo na pag-ibayuhin pa ang seguridad sa pagbabanta sa mga negosyo sa rehiyon gayundin sa mga proyekto at mga pangunahing industriya at hinikayat ang mga trader na i-report ang pangingikil ng revolutionary tax ng mga rebeldeng komunista upang agad itong maaksyunan ng mga sundalo.

ACIRC

ANG

CAPTAIN ALBERTO CABER

DAHILAN

DISYEMBRE

EASTERN MINDANAO

EASTERN MINDANAO COMMAND

EASTERN MINDANAO REGION

EASTMINCOM

MGA

NEW PEOPLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with