^

Police Metro

Paaralan nilamon ng apoy

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Problema ang kinakaharap ng mga high school student ng unibersidad sa Pasig City sa kanilang pagpasok sa Enero 4 matapos masunog ang kanilang eskuwelahan kahapon ng umaga. Batay sa ulat ng Pasig City Fire Department, pasado alas-10 ng umaga nang maganap ang sunog sa high school department ng Arellano University sa Barangay Caniogan, Pasig City.

Unang napansin ng guwardiya ng paaralan na may usok sa canteen kung saan nadiskubreng mula sa kuwarto ng caretaker ang apoy.

Dahil gawa lamang sa kahoy ang gusali kaya mabilis na tinupok ng apoy ang 10 silid-aralan ng unibersidad.

Inaalam pa ng mga pamatay-sunog ang pinagmulan ng apoy na naideklarang fire-out dakong alas-11 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasugatan sa naganap na sunog.

vuukle comment

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

BARANGAY CANIOGAN

BATAY

DAHIL

ENERO

INAALAM

PASIG CITY

PASIG CITY FIRE DEPARTMENT

PROBLEMA

UNANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with