^

Police Metro

Mga kalsada sa Makati City, isasara

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Asahan ang matin­ding trapik dahil isasara ang ilang pangunahing lansangan sa Makati City bukas (Disyembre 31) upang bigyan daan ang idaraos na Shout! Makati New Year’s Eve Countdown sa University (UMAK) of Makati Track & Field Oval.

Sa abiso kahapon ng Information Community Relation Department (ICRD) ng Makati City Hall, nabatid na simula alas-2 ng hapon ng Dis­yembre 31 hanggang alas-2 ng madaling araw ng Enero 1, 2016, isasara sa mga motorista ang kahabaan ng J. P. Rizal Extension mula Lawton Avenue hanggang Buting.

Tanging mga residente lamang sa mga Barangay West Rembo at Barangay East Rembo ang papayagang dumaan at kikilalanin pa ito ng Bantay Bayan personnel para tiyakin kung talagang nakatira sila sa nabanggit na mga lugar.

Dahil inaasahang magdudulot ito ng ma­tinding trapik kaya pinayuhan ang mga motorista gumamit ng mga alternatibong ruta kabilang ang Kalayaan Avenue papuntang C-5 Road at Buting.

Ang mga sasakyang magmumula sa Guadalupe/EDSA ay maaring kumanan sa Lawton A­venue, kaliwa ng Kala­yaan Avenue at kanan ng C-5 Road patungong destinasyon (southbound) o kaya sa elevated U-turn at  kanan patungong Bu­ting at Pateros saka dumiretso patungong Pasig (northbound).

Tanging ang mga sasakyan lamang na may car pass ang papasukin sa UMAK at Makati Park and Garden.

Samantala, ipapatupad ang one-side parking sa kahabaan ng J.P. Rizal Extension (UMAK side).

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANTAY BAYAN

BARANGAY EAST REMBO

BARANGAY WEST REMBO

BUTING

EVE COUNTDOWN

FIELD OVAL

INFORMATION COMMUNITY RELATION DEPARTMENT

MGA

RIZAL EXTENSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with