^

Police Metro

Kawani ng telco tiklo sa arms cache

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kalaboso ang 20-anyos na kawani ng  telephone company matapos itong arestuhin ng pulisya dahil sa mga baril, bala at shabu sa inilatag na operasyon sa Barangay 187 sa Pasay City kamakalawa ng hapon.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Maricar Elisan ng Block 21, Lot 22 sa Bo. Pilipino, Barangay 187 sa nasabing lungsod.

Sa police report na natanggap ni P/Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City PNP, nadakip ang suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Raquelyn Abary-Vasquez ng Pasay City Regional Trial Court.

Nasamsam sa suspek ang cal. 38 revolver, 23 bala ng iba’t ibang baril, cal. 32 pistol, 1 unit cal. 32 magazine, 1 cal. 38 holster at 1-plastic sachet ng shabu.

Tinutugis naman ng pulisya ang kaanak nito na si Enrico Elisan na sinasabing kasabwat  sa paglabag sa Republic Act  9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

COMPREHENSIVE LAW

DRUGS ACT

ENRICO ELISAN

FIREARMS AND AMMUNITION

JOEL B

JUDGE RAQUELYN ABARY-VASQUEZ

MARICAR ELISAN

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

REPUBLIC ACT

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with