^

Police Metro

PO1 tiklo sa indiscriminate firing

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kalaboso ang 29-an­yos na bagitong pulis matapos itong arestuhin ng mga kabarong pulis dahil sa illegal na nagpapaputok ng baril sa Malate, Maynila sa kabila ng umiiral ang Iwas Paputok/Disgrasya 2015 campaign ng PNP.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office, kinilala ni PNP spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor ang suspek na si PO1 Francis Nepomuceno, nakatalaga sa NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa inisyal na imbestigasyon, si PO1 Nepomuceno ay nagpaputok ng baril noong nakalipas na isang linggo at nakum­piska ang isang Glock 17 pistol.

Si Nepomuceno ay kabilang sa anim-katao na naitala ng PNP na sangkot sa illegal discharge of firearms simula ng ipa­tupad ang Oplan Ligtas Paskuhan nitong Disyembre 16 sa pagsisimula ng Simbang Gabi at tatagal hanggang Enero 5, 2016.

Nahaharap naman sa kasong alarm scandal ang nasabing pasaway na bagitong pulis bukod pa sa kasong grave misconduct sa pagsuway sa kautusan ni PNP Chief Gen. Marquez.

Una rito, nagbabala si PNP Chief Director Ge­neral Ricardo Marquez  na sisibakin sa serbisyo ang sinumang mapapatuna­yang nagpaputok ng baril kaugnay ng Iwas Paputok /Disgrasya 2015 campaign ng PNP para matiyak ang mapayapa at matiwasay na pagsalubong sa Bagong Taon.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF DIRECTOR GE

CHIEF GEN

CHIEF SUPT

DISGRASYA

FRANCIS NEPOMUCENO

IWAS PAPUTOK

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with