SC nag-issue ng TRO sa DQ ni Poe
MANILA, Philippines – Nakahinga ng maluwag kahapon si presidential bet Sen. Grace Poe sa kanyang disqualification case makaraang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court para pigilan ang Commission on Elections (Comelec) sa implementasyon ng cancelation ng kanyang kanidatura sa May 2016.
Nagdesisyon si SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magpalabas ng dalawang TRO laban sa poll body’s First at 2nd Divisions na magiging epektibo kaagad.
Bukod sa dalawang TRO, ipinag-utos din sa respondents na mag-komento sa petisyon ni Sen. Poe sa loob ng 10-araw na non-extendible.
Sa press briefing, ipinahayag ni SC Spokesperson Theodore Te, naka-schedule ang oral arguments sa kaso ni Poe sa Enero 19, 2016 bandang alas-2 ng hapon sa new session hall ng Supreme Court main building sa Manila.
Idinagdag pa ni Te na ang mga kaso ni Poe ay magkahiwalay na isasalang ng high tribunal.
Magugunita na kahapon ay pormal na nagsumite ng petisyon ang legal counsel ni Sen. Poe kaugnay sa naging desisyon ng First and Second Division ng Comelec. Phil. Star News Service
- Latest