Kuya dedbol sa utol
MANILA, Philippines – Mismong Araw ng Pasko nang saksakin at mapatay ng isang lalaki ang nakakatandang kapatid nang sila ay magtalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Lumayang, Zamboanga City.
Ang nasawi ay kinilalang si Edwin Dinglasa, nasa hustong gulang, binata at residente ng nasabing lugar.Habang ang suspek na tumakas ay ang nakakabatang kapatid na si Ruben.
Batay sa ulat, dakong ala-1:20 ng madaling araw ay nagdiriwang ng Pasko ang pamilya Dinglasa sa Purok 2, Brgy. Lumayang nang sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid.
Kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang kaniyang nakatatandang kapatid na agad bumulagta at binawian ng buhay.
- Latest