^

Police Metro

6 katao na ang tinamaan ng ligaw na bala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine National Police (PNP) kahapon na pu­malo na sa anim na katao ang biktima ng ligaw na bala kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt Wilben Mayor, apat pa ang nadagdag sa talaan ng mga biktima simula ng ipatupad ang “Ligtas Paskuhan 2015” noong Disyembre 16 hanggang sa kasalukuyan.

Ang  Ligtas Paskuhan 2015 ng PNP alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez ay tatagal hanggang Enero 5 ng susunod na taon.

Kabilang sa mga na­dagdag sa talaan ng biktima ng ligaw na bala ay sina Eric del Mundo, 44, na tinamaan sa kaliwang hita sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City noong Disyembre 22; Ronald Paquinto, 21, tinamaan ng ligaw na bala sa likod sa Ermita, Manila noong Dis­yembre 25; Ryan Aspa,  32 ng General Trias, Cavite, tinamaan sa  kaliwang bukong-bukong noong Araw ng Pasko at Danilo Apulidar na tinamaan sa kaliwang hita.

Una nang iniulat ng PNP na dalawa ang biktima ng stray bullet kaugnay ng kanilang monito­ring na sina Calsum He­nio, 3, tinamaan sa tiyan sa Sirawai, Zamboanga del Norte noong Disyembre 16  at Hawati Hanapi, 50, na tinamaan  sa kaliwang hita noong Disyembre 20.

ACIRC

CALSUM HE

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

DANILO APULIDAR

DISYEMBRE

GENERAL TRIAS

HAWATI HANAPI

LIGTAS PASKUHAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

RONALD PAQUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with